-- Advertisements --

Sisimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Marso 17 ang pamamahagi ng P5,000 na cash assistance sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na apektado ng mga tumataas na presyo ng langis.

Ayon sa DSWD ang unang makakatanggap ng payouts ang mga tricycle drivers sa Metro Manila.

Nasa 139,000 ng mga tricycle drivers sa National Capital Region ang makikinabang sa inisyal na rollout ng gobyerno.

Ang nasabing pondo ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Paliwanag ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlaon, itinuturing nila ang mga drivers bilang indibidwal na humaharap sa economic distress dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.