-- Advertisements --

Ipinapatupad na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbabago sa audit procedures.

Ang nasabing hakbang ay prioridad bilang bahagi ng “sweeping reform drive” para maipatupad ng mas mahigpit ang tax audits.

Sinabi ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza na ang reporma ay para mapalakas ang pangagalap nila ng mas maraming kita habang inaayos ang ilang problema.

Magugunitang noong Nobyembre ay sinuspendi ng BIR ang paglalabas ng letters of authority (LOA) matapos na ipahayag ng mga private sectors ang audit procedures.