-- Advertisements --
Nagpasya ang English singer na si Morrissey na kanselahin ang kaniyang mga konsiyerto sa Spain.
Sinabi nito na kaya hindi natuloy ang kaniyang concert sa Valencia ay dahil kulang siya ng tulog.
Nahirapan umano ito ng makatulog dahil sa sobrang ingay ng ilang mga naka-book sa hotels.
Bukod pa dito ay mayroong pagdiriwang sa labas kaya hindi ito nakatulog ng sapat na oras.
Mayroong mahigit 1,500 na fans ang nag-abang sa singer concert nito sa Palau de Les Artes Reina Sofia sa Spain.
Dagdag pa ng dating The Smiths frontman na aabot sa isang taon bago ito tuluyang maka-rekober.
Humingi na lamang ito ng paumanhin sa mga fans na naghintay para sa kaniyang show.
















