-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng konsiyerto si concert queen Pops Fernandez.
Kasabay ito ng kaniyang ika-60 kaarawan at ika-40 na taon sa showbiz.
Gaganapin ito sa darating na Nobyembre 26 sa Newport Performing Arts Theater.
Sinabi nito na makakaranas ang kaniyang mga fans ng kakaibang pagtatanghal ng singer.
Kakantahin nito ang ilang mga pinasikat na awitin sa apat na dekada ng kaniyang singing career.
















