-- Advertisements --

Isinilang na ng aktres na si Rere Madrid ang anak nila ng basketbolistang si Kai Sotto.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ang aktres ng update ng kaniyang panganganak.

Makikita na habang nakahiga ang aktres sa hospital bed ay hawak ni Kai ang bagong silang nilang anak.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ang dalawa sa kasarian at maging pangalan ng kanilang anak.

Magugunitang noong Hunyo ng ianunsiyo nila ang pagbubuntis ng aktres.

Binati naman ng mga kapwa artista at maging mga basketbolista ang dalawa matapos na malaman ang magandang balita.