-- Advertisements --

Inanunsiyo ng promoter ng concert ng singer na si Moira na kanselado na ang konsiyerto nito sa darating na Oktubre 4, 2026 na gaganapin sana sa MOA Arena.

Ayon sa organizers na gagawin na lamang sa susunod na taon ang “MOIRA: Where It All Started”.

Wala pang petsa at lugar kung saan gaganapin muli ang nasabing concert.

Hindi naman na binanggit ng organizers kung ano ang dahilan ng nasabing pagkansela ng konsiyerto.

Tiniyak ng organizers na ibabalik nila ang bayad ng mga fans na nakabili na ng tickets.