-- Advertisements --

Tinanggal sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng Pasay City Police si Police Col. Joselito de Sesto, ayon sa pormal na kumpirmasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong Biyernes.

Inihayag ni NCRPO Officer-in-Charge Brig. Gen. Christopher Abrahano ang naging relief order laban kay De Sesto sa harap ng media.

Pansamantalang itinalaga si Police Col. Robert Baesa, na kasalukuyan ding tumatayong deputy district director for operations ng Southern Police District, bilang bagong officer-in-charge ng pulisya sa lungsod.

Tikom pa ang NCRPO sa detalye habang hindi pa opisyal na isinisiwalat ang tiyak na dahilan sa likod ng pagpapatalsik sa puwesto sa dating chief of police.