-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matapos ang mahigit isang linggong pagbuka ng kanyang mata at paggalaw ng daliri matapos siyang bumagsak sa gitna ng kanyang training sa Butuan City, tuluyan nang pumanaw ngayong hapon lang, Biernes, ang flyweight champion ng Philippine Boxing Federation (PBF) na si Jordan “Tuklaw” Atlao sa timbang na 112 libra.

Ayon sa kanyang manager sa Don Punch Promotions na si Dondon Llagas, lubhang mabigat sa kanyang kalooban ang pagkawala ng batang boksingerong itinuring pa niyang parang anak.

Matatandaang sa isang eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, kinumpirma ni Llagas na noong gabi ng Marso a-2, matapos bumagsak si Atlao bandang alas-dos ng hapon, agad nila itong dinala sa isang private hospital ng lungsod kung saan siya na-operahan bandang alas-9:30 ng gabi at natapospasado alas-kuwatro ng madaling araw ng Marso a-3.

Nabatid na nagsagawa si Tuklaw ng dalawang sparring sessions noong araw na iyon bilang paghahanda sa kanyang 8-round na laban sa Mayo 29 sa Korakuen Hall sa Japan laban sa Japanese boxer na si Ryota Yamauchi.

Lumabas sa diagnosis na nakaranas siya ng matinding traumatic brain injury na umano’y dulot ng pag-inom ng maraming tubig habang nagpapawis, dahilan upang hindi na siya nakarekober.