-- Advertisements --
Naghain ng disbarment case sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) si Gabriela party-list Representative Sarah Elago laban sa isang hindi na pinangalanang abogado dahil sa komento nito na nakakasira ng integridad ng isang babae.
Hindi na nito pinangalanan ang abogado na kinasuhan niya sa Commission on Bar Discipline ng IBP bilang bahagi ng confidentiality ng disbarment proceeding.
Ayon sa mambabatas na ang pagsampa niya ng reklamo ay hindi lamang para sa kaniyang sariling interest at sa halip ay para sa kahalagahan paggalang sa mga kababaihan.
Itinuturing din ito na ang hakbang ay para matigil na ang maling pagtiingin sa mga kababaihan.
















