-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Iniatas na rin ni acting Philippine National Police o PNP chief PLt Gen Jose Melencio Nartatez Jr kay Police Regional Office (PRO) 13 Director PBGen Marcial Mariano Magistrado IV ang paghahanap kay gaming tycoon Charlie ‘Atong’ Ang.

Ito’y matapos na hindi pa rin ito nahanap, ilang araw matapos ilabas ang arrest warrant para sa kanya may kaugnayan sa nawawalang mga sabungero.

Ini-atas ito ni General Nartatez sa kanyang isinagawang command visit sa Camp Rafael Rodriguez nitong lungsod ng Butuan kahapon lalo na’t kanyang nalaman na marami ang mga sabong affectionados sa rehiyon.

Dagdag pa ng opisyal, mas mabuting suriin kung may propiedad o farm dito sa Caraga Region si Ang na may patong na sa ulo na sampung milyong piso.