Naaresto ng Taguig City Police Office ang apat na suspek sa magkahiwalay na operasyon kaugnay ng serye ng convenience store robbery at isang pamamaril sa Barangay New Lower Bicutan sa lungsod.
Dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Axel Ray” at “Bogie” ang nadakip matapos ang imbestigasyon sa hold-up sa isang convenience store sa M.L. Quezon Street, Barangay Wawa noong March 10.
Ayon sa pulisya, tinutukan ng baril ang cashier habang tinangay ang humigit-kumulang ₱11,000 at ilang tsokolate bago tumakas sakay ng motorsiklo.
Sa follow-up operation sa San Pedro, Laguna, naaretso ang mga suspek at nasamsam ang isang 9mm pistol, magazine at mga bala.
Natukoy din na sangkot ang mga suspek
Natukoy na rin ang dalawa pang suspek na kinilalang sina alyas “Jeff” at “Emong”.sa iba pang convenience store robberies sa Taguig.
Samantala, naaresto rin sina alyas “Bogz” at “Hendrich” kaugnay naman sa pamamaril sa Pio Felipe Street, Barangay New Lower Bicutan noong March 13.
Nasamsam sa kanila ang isang .45 caliber pistol, magazine, at ilang bala.
Ayon kay Taguig Police Chief Police Colonel Julius Añonuevo, ang operasyon ay bunga ng masusing imbestigasyon at koordinasyon ng pulisya.
Pinuri naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mabilis na aksyon ng pulisya upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.
Nahaharap na sa kaukulang kaso ang mga suspek habang nagpapatuloy ang follow-up operations upang matunton ang iba pang sangkot sa mga insidente.
















