-- Advertisements --
Tinanggihan ng mga lider ng Europe ang hiling ni US President Donald Trump na tulungan sila para maging ligtas ang Strait of Hormuz.
Sa isinagawang pagtitipon ng European Union sa Brussels, sinabi ni German Foreign Minister Johann Wadephul na wala silang balak na makilahok ang kanilang military sa kaguluhan sa Iran.
Dagdag pa nito na kailangan nila ng paglilinaw ukol sa nasabing usapin kung saan hindi ito giyera na kanilang nasimulan.
Ang nasabing pahayag na ito ay sinuportahan ng ilang mga miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) member.
Magugunitang hiniling ni Trump sa mga lider ng Europa na samahan sila para gawing ligtas ang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz mula sa pag-atake ng Iran.
















