-- Advertisements --
Humiling si American tennis star Coco Gauff ng dagdag na privacy sa mga manlalaro.
Kasunod ito ng makuhanan siya ng video na winawasak ang raketa.
Nangyari ang insidente matapos ang pagkatalo niya kay Elina Svitolina sa quarterfinals ng Australian Open.
Sa nasabing laro ay nagtala ang 21-anyos na si Gauff ng limang doubles faults, 26 unforced errors sa scores na 6-1 6-2 sa laro na nagtapos sa loob ng 59 minuto.
Sinabi nito na pinigilan niya ang sarili na sirain ang raketa sa court kaya doon sa players area niya ito winasak.
Dagdag pa nito na sinubukan niyang magpunta kung saan walang camera subalit nakuhanan pa rin ito.
Mahalaga aniya na pag-usapan ng organizers ito dahil ang tanging pribado lamang sa ngayon ay ang kanilang locker rooms.
















