-- Advertisements --

Pinagtanggol ni dating NBI Regional Director na si Ricardo Diaz, si dating PNP chief Gen. Nicolas Torre III laban sa mga pahayag ng mandatory retirement.

Ayon kay Diaz, ang appointment ni Torre bilang MMDA general manager ay isang kaso ng “secondment,” isang normal na proseso sa gobyerno kung saan ang isang empleyado ay ipinapadala sa ibang ahensya ngunit nananatili pa rin sa payroll ng parent agency.

‘General Nicolas Torre can be considered “seconded” or temporary detailed to MMDA as General Manager but continues to be in the payroll of the PNP as a 4 star general until his retirement. Bakit kasi ang daming mga bobo sa gobyerno ngayon? he he,’ ani Diaz.

Pinabulaanan din Diaz ang pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na si Torre ay nagretiro na, at binanggit ang Civil Service Commission na nagsasabing ang secondment ay hindi nakakaapekto sa employment status ng isang empleyado.

Ngunit, tinanggihan ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño ang mga pahayag ni Diaz, at sinabi na nagretiro na si Torre noong Disyembre 26, 2025.

Nauna nang sinabi ni Torre na hindi siya nag-apply ng retirement at naghihintay ng direktiba mula kay Pangulong Marcos bago magplano ng kanyang retirement.