-- Advertisements --
Tinamaan ng inilunsad na missile ng Iran ang Embahada ng Amerika sa Baghdad, Iraq.
Sa isang video, makikita ang usok na nagmumula sa embahada kasunod ng pag-atake sa gusali na nakabase sa kabisera ng Iraq.
Base sa ulat mula sa ilang international news agencies, missile ang tumama sa embahada habang may iba namang source na nagsasabing isang drone strike ang tumama sa embahada.
Nangyari ang pag-atake ilang sandali matapos mapatay ang dalawang Iran-backed fighters sa strikes sa kapital ng Iraq.










