Binomba ng US military ang Kharg Island ng Iran, ayon kay US President Donald Trump.
Subalit, hindi aniya tinarget ang oil infrastructure.
Inihayag din ni Trump na ganap na napuksa ang bawat military targets sa island.
Nagbanta rin si Trump ng pag-atake sa imprastruktura ng langis ng Iran kung ipagpapatuloy ng Iran ang pagharang sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz.
Ang naturang isla ay isang criticial economic lifeline para sa Iran, kung saan dito dumaraan ang 90 porsyento ng iniluluwas na langis ng Iran.
Ayon sa news agency na konektado sa Islamic Revolution Guards Corps, mahigit 15 pagsabog ang narinig sa isla sa kasagsagan ng pag-atake ng Amerika.
Tinarget umano ang air defense, naval base, airport control tower at isang helicopter hangar sa isla.
Bagamat base sa ulat mula sa Iranian state media, wala umanong pinsala sa oil infrastructure sa Kharg Island.
















