Itinigil ng Estados Unidos ang mga pag-atake nito sa Iran sa kahilingan ng kanilang rehimen, ayon kay U.S President Donald Trump.
Sa isang pahayag habang lulan ng Air Force One, sinabi ni Trump na maayos na nakiusap ang Iran na itigil ang mga pag-atake at inalok na magkita.
Subalit nagbabala naman si Trump na ipagpapatuloy nila ang mga pag-atake sakaling mabigo ang dalawang panig na makabuo ng panibagong kasunduan para sa ceasefire o tigil-putukan.
Samantala, sa panig ng Iran, nilinaw ni Foreign Minister spokesperson Esmaeil Baghaei na walang kasalukuyang negosasyon sa pagitan nila ng Amerika sa kabila ng pahayag ni Trump na itinigil nila ang pag-atake sa Iran upang bigyang-daan ang mga pag-uusap para sa ceasefire deal.
Hindi rin aniya nila hahayaan ang U.S. na magdikta ng “timing ng digmaan at kapayapaan.”
















