Nagbabala ang Iran ng “full-scale offensive” kapag nagtuluy-tuloy pa ang military strikes ng Estados Unidos.
Ginawa ni Mohsen Rezaei, top Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) official at military adviser ni Supreme Leader Mojtaba Khamanei ang naturang babala.
Sa ulat mula sa isang state-owned media, sinabi ng military adviser na kapag nagpatuloy ang mga pag-atake ng Amerika ng dalawa pa o tatlong araw, isasagawa na aniya nila ang full-scale offensive operations.
Ang naturang pahayag ay ginawa matapos makumpleto ng US ang ikapitong sunod na araw ng mga pag-atake nito sa Iran at sa pagganti naman ng Iran sa Arab allies ng U.S.
Babala pa ng Iranian military leader na walang political border ang ligtas laban sa opensiba ng kanilang pwersa at idinagdag na kailangang pagbayaran ng US ang mga pag-atake nito sa kanilang civilian infrastructure.
















