-- Advertisements --
Kinumpirma ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran ngayong Miyerkules na tinarget nito ang US Fifth Fleet sa Bahrain bilang ganti sa strikes ng Amerika laban sa Iran.
Base sa ulat, naglunsad ang IRGC Navy forces ng drone attack kaninang madaling araw laban sa US Fifth Fleet sa Bahrain.
Ito ay tugon umano ng IRGC laban sa inilunsad na strikes ng US sa kanilang teritoryo sa Jask, Sirik at Qeshm.
Sinabi rin ng grupo na napinsala ng US strikes ang communications tower sa Sirik at nasira ang dalawang water reservoirs sa Bamani district.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na komento ang US Central Command kaugnay sa naturang pag-atake.














