Mag-aanunsyo umano ang Iran ng isang restricted o prohibited zone sa labas ng Strait of Hormuz na sakop ang ilang bahagi ng Persian Gulf, ayon kay Supreme National Security Council Secretary Mohsen Rezaei.
Paliwanag ni Rezaei, magsisimula ang naturang sona mula sa linya ng blockade ng US Navy, at ang anumang barkong papasok dito ay agad na isasama sa sanctions list ng kanilang bansa.
Inihayag din ng opisyal na napagkasunduan na kasama ang Oman ang mga mapa para sa opisyal na daanan ng mga barko sa Strait of Hormuz at nakatakda na itong lagdaan sa mga susunod na araw.
Samantala, nagbabala si Iranian Parliament Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf na anumang panibagong pag-atake sa kanilang bansa ay haharap sa mas mabilis, mas mabigat, at mas masakit na tugon.
Sa gitna ng patuloy na tensyon sa rehiyon, iniulat ng health ministry ng Lebanon na tatlong tao ang nasawi matapos tamaan ng Israeli drone attack ang isang sasakyan sa bayan ng Nabatieh.
Naganap ang naturang pag-atake habang nagpapatuloy ang serye ng mga strike at operasyong militar ng Israel sa timog na bahagi ng Lebanon.
















