-- Advertisements --

Nakatakdang ideklara ni U.S. President Donald Trump bilang teritoryo ng Amerika ang Strait of Hormuz matapos makumpletong matalo ang Iran.

Kinumpirma ito ni Trump sa isang political rally sa isang police academy sa New York state.

Matatandaang magkasamang inilunsad ng US at Israel ang giyera kontra sa Iran noong Pebrero 28 sa layuning waksan ang kontrobersiyal na nuclear program nito na nagbunsod ng malawakang kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Subalit gumanti ang Iran sa pamamagitan ng pagtatatag ng de facto control sa Strait of Hormuz, na isang mahalagang daanan ng malaking bulto ng langis sa buong mundo at iba pang commodity shipping.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang blockade ng US sa Iranian ports sa pagtatangkang maparalisa ang ekonomiya ng Iran habang pinipigilan naman ng Tehran ang access ng mga sibilyang barko at US Navy sa Strait of Hormuz.