-- Advertisements --

Kumpyansa si former Sen. Antonio Trillanes IV sa inihain nilang ‘plunder case’ laban kay Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa naturang dating mambabatas, tiwala sila na ang reklamo kontra sa ikalawang pangulo ay sakop ang mga elementong kinakailangan para mapatunayan ang alegasyon.

Supplemental o karagdagan aniya ito sa naunang isinampa ng civil society groups sa Ombudsman noong Disyembre ng nakaraang taon.

Ang kaibahan raw dito sa panibagong inihaing reklamo ay ang kalakip maging at pati na mga alegasyon o salaysay ni Ramil Madriaga, umano’y bagman ni Vice President Sara Duterte.

Kung kaya’t naniniwala ang dating senador na ang naisampang ‘plunder case’ nitong 2025 at ngayong 2026 ay magdudulot para magkaroon ng malakas na kaso laban sa bise presidente.

Dagdag pa niya’y ang lahat ng mga inihain at isinumite sa tanggapan ng Ombudsman ay ‘certified true copies’ ng mga opisyal na dokumento.

Kaugnay sa sinasabing bagman umano ng ikalawang pangulo na si Madriaga, ayon kay former Sen. Trillanes naisama na ang mga ‘documentary evidence’ rito sa naunang naihaing ‘plunder case’ noong Disyembre.

Kung kaya’y naniniwala ang dating senador na dapat at mahalagang mapanagot si Vice President Sara Duterte sa mga reklamong at alegasyon kinakaharap.

Giit niya’y kailangan raw malaman ng publiko ang buong katotohanan sa mga nagawa nito lalo pa’t siya ang ikalawang pangulo ng bansa.

Kinakaharap ngayon ng bise presidente ang patung-patong na mga reklamo sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa mga ito ay ang ‘graft at malversation’ ukol sa 650-milyon piso ng confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education.

Plunder at malversation naman ukol sa 2.7-bilyon piso halaga ng maanomalyang confidential funds sa lungsod ng Davao noong siya’y alkalde pa nito.

Reklamong graft at malversation naman para sa ‘overpriced’ na laptops aabot sa halagang 8-bilyon piso noong siya’y kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Mayroon din bribery, corruption at iba pang reklamo ang isinampa ni former Sen. Trillanes at ilang miyembro mula sa civil society group na ‘The Silent Majority’.