-- Advertisements --

Nagpatupad ang House of Representatives ng cost-cutting measures at binagong work arrangements upang maging mas episyente ang operasyon at paggamit ng pampublikong pondo.

Batay sa inilabas na memorandum noong March 12,2026, inaatasan ang lahat ng opisina na sundin ang mga patakaran alinsunod sa Malakanyang Fiscal Discipline Policy. Kabilang dito ang hybrid work setup, limitasyon sa biyahe at pagpupulong, mas maingat na paggamit ng kuryente at kagamitan, at pagpapalawak ng digital na proseso.

Sa bagong setup, kapag nasa recess period,on-site tuwing Martes at Miyerkules; work from home tuwing Lunes at Huwebes.

Kapag mayruong sesyon, on-site mula Lunes hanggang Miyerkules; WFH tuwing Huwebes.

Tinitiyak ng Kamara House na hindi maaapektuhan ang serbisyo sa mga mambabatas, empleyado, at publiko. 

Ang mga contact details ng opisina ay dapat mailahad sa website, Facebook, at Viber Group para sa tuloy-tuloy na komunikasyon.

Kailangang manatili on-site ang ilang yunit tulad ng Engineering, Medical, Records, at Security upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon. 

Ang mga empleyado na magbabalik sa opisina sa WFH days ay kailangan ng aprubal mula sa Secretary General.

Kasama rin sa hakbang ang mas istriktong paggamit ng kuryente, air-conditioning, at kagamitan, pati na rin transportasyon at fuel conservation.

Nakapaloob dito ang limitadong oras ng aircon, standardized thermostat sa 24°C, automatic shutdown ng computer monitors, at pagbawas ng pagpi-print.

Plano naman ng Kamara ang paggamit ng solar panels, LED lighting, inverter-type AC units, at pagtatatag ng “Green Teams” upang masubaybayan ang energy efficiency.

Regular din na susuriin ng Executive Committee ang bisa ng mga hakbang at magmumungkahi ng dagdag na estratehiya para sa mas episyenteng operasyon.