-- Advertisements --

Nanawagan ang Digital Pinoys sa agarang aksyon laban sa syndicated clout-chasing, online extortion, at koordinadong pananakot sa social media, kasabay ng pagsuporta nila sa House Resolution 1006.

Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Ronald Gustilo, national campaigner ng Digital Pinoys, sinabi nitong ginagamit ng ilang online personalities at propaganda machines ang social media para sa personal na kapakinabangan at impluwensya, habang nagtatago sa likod ng karapatan sa pagpapahayag.

” If the investigation indeed pushes through, Congress should ensure that while freedom of expression is protected, illegal activities such as extortion, coercion, threats, and organized harassment are exposed and the perpetrators are punished,” saad ni Gustilo.

Binibigyang-diin pa ni Gustilo ang pangangailangan ng malinaw na hangganan sa pagitan ng lehitimong kritisismo at koordinadong pananakot upang maprotektahan ang tunay na tinig at maiwasan ang mapanganib na propaganda.

Kasabay nito, nanawagan ang grupo sa publiko na maging mapanuri sa mga nababasa at napapanood sa social media.

Hinihikayat din niya ang mga platforms at gobyerno na palakasin ang mga mekanismo laban sa online harassment, maling impormasyon, at pananakot, upang masiguro ang ligtas at responsable na paggamit ng digital spaces.

““We must ensure that any future policies or regulatory measures target criminal and abusive behavior, and not legitimate journalism, whistleblowing, satire, activism, or criticism against public officials. Otherwise, vague and overbroad policies can later be weaponized against ordinary citizens and legitimate dissent,” dagdag pa nito.