-- Advertisements --

Iginiit ng Office of the Solicitor General (OSG) na hindi maaaring gamitin ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang parliamentary immunity upang maiwasan ang pag-aresto sa kaniya.

Ayon sa OSG, ginagamit lamang ang parliamentary immunity sa mga kasong may parusang hindi lalampas sa anim na taong pagkakakulong.

Ngunit ang kasong crimes against humanity na iniuugnay kay Dela Rosa sa ilalim ng International Criminal Court ay may mabigat na kaparusahan gaya ng habambuhay na pagkabilanggo.

Sinabi rin ng OSG na tila umiiwas umano si Dela Rosa sa mga awtoridad kaya hindi siya maaaring humingi agad ng tulong sa korte habang wala siya sa hurisdiksyon nito.

Matatandaang noong Nobiyembre, sinabi ng Korte Suprema na ang isang pugante ay dapat munang sumuko bago makahingi ng judicial relief sa korte.