Binura ng Denver Nuggets ang 20-point deficit laban sa San Antonio Spurs at nagtala ng panalo sa score na 136-131.
Panibagong triple-double performance ang naitala ng Denver bigman na si Nikola Jokic, matapos kumamada ng 31 points, 20 rebounds, at 12 assists. Nagdagdag pa siya ng tatlong steals at dalawang blocks sa loob ng 39 minutong laro.
Nanguna naman sa scoring si Jamal Murray na nag-ambag ng 39 points mula sa 11 field goals, at naipasok ang lahat ng kanyang 15 free throw attempts.
Sinamantala ng defending champion ang pagkawala ni Spurs rookie bigman Victor Wembanyama upang makabawi sa ikalawang bahagi ng laro, lalo na sa fourth quarter kung saan nagtala ang Nuggets ng 42-25 run.
Hindi naman naging sapat ang triple-double performance ng Spurs guard na si Stephon Castle na may 30 points, 11 rebounds, at 10 assists sa loob ng 35 minuto.
Sa kabuuan ng 66 games ngayong season, kapwa nakapagtala ng mahigit 40 panalo ang dalawang koponan, 41 wins para sa Nuggets at 48 para sa Spurs.
May natitira na lamang na hindi hihigit sa 20 laro bago tuluyang matapos ang regular season ng NBA.
















