Nagkasundo ang tatlong NBA team na Cleveland Cavaliers, Denver Nuggets, at Los Angeles Clippers sa panibagong trade, dalawang buwan bago ang nakatakdang pagsisimula ng 2026-2027 NBA Season.
Sa ilalim ng bagong deal, mapupunta na si Watson sa Cavs habang liipat naman sa Los Angeles ang guard na si Strus.
Para sa Denver, makukuha nito ang unprotected 2031 Cleveland first-round pick at isa pang 2032 second-rounder mula sa Sacramento Kings.
Sa ilalim ng kontrata ni Watson, tatanggap siya ng $88 million para sa apat na taong pananatili sa Cleveland, kasama ang isang player option sa huling taon ng kaniyang kontrata.
Hawak ng bagitong sentro ang impresibong average na 14.6 points per game, 4.9 rebounds per game, at 2.1 assists per game.
Para sa bagong Lakers guard na si Struss, hawak niya ang career average na 11.2 PPG, 5.4 RPG, at 2.0 APG
Ang multi-team trade ay isa sa mga bagong trade movement sa NBA, habang naghahanda ang bawat koponan para sa nalalapit na preseason sa unang bahagi ng Oktubre (Oct. 3)
Susundan ito ng opisyal na pagsisimula ng Regular Season sa huling bahagi ng naturang buwan.














