-- Advertisements --
Inaresto si Cleveland Cavaliers star James Harden dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril habang ito ay nasa Texas.
Ayon sa mga otoridad nakuhanan ito ng baril sa loob ng kaniyang sasakyan.
Pansamantalang ito nakalaya matapos na maghain ng piyansa at itinaikda ang pagharap nito sa korte sa darating na Hunyo 22.
Si Harden ay naging manlalaro ng NBA mula pa noong 2009 kung saan iba’t-ibang koponan na ang kaniyang sinalihan gaya ng Houston Rockets, Oklahoma City Thunder, Brooklyn Nets, Philadelphia 76ers, at Los Angeles Clippers.
















