-- Advertisements --

Tinambakan ng Minnesota Timberwolves ang Dallas Mavericks ng 39 big points sa pagharap ng dalawa ngayong araw (Nov. 13), 133-94.

Halos hindi nahirapan ang Wolves sa laban at sa pagtatapos ng 1st half, hawak na nito ang 15 points. Nadagdagan pa ito at tuluyang lumubo sa 34 points sa pagtatapos ng 3rd quarter, kaya’t tuluyan nang pinagpahinga ang mga starter ng koponan.

Sa loob lamang ng 25 mins ni LaMelo Ball sa hardcourt, nagawa niyang pangunahan ang Minnesota at kumamada ng 22 points, siyam na assists, at dalawang steal.

Sa blowout win ng Wolves, kumamada rin ng 24 big points ang reserve player ng koponan na si Bones Hyland, kasama ang walong assists at dalawang steal.

Sinamantala ng Minnesota ang off night nina Kyrie Irving at Cooper Flagg upang dominahin ang naturang match.

Sa pagkatalo kasi ng Dallas ay tanging 10 points lamang ang naipasok ni Irving habang 12 points naman ang nagawa ng bagitong guard na si Flagg. Hawak ni Irving ang negative (-) 36 dahil sa kaniyang performance.

Nalimitahan din sa 3 points ang sentro ng koponan na si Daniel Gafford.

Umabot pa sa 44 points ang pinakamalaking lead ng Minnesota sa kasagsagan ng laban, na resulta ng impresibong 58% overall shooting ng naturang koponan.