Naitala ng Cleveland Cavaliers ang kanilang unang panalo sa pag sisimula ng NBA 2026-2027 season matapos talunin ang Brooklyn Nets, 125–121.
Nanguna si Donovan Mitchell sa Cavaliers na nakapag tala ng 22 points, habang 21 points at 8 rebound naman kay Jarrett Allen, nagtala rin si Evan Mobley ng 20 points at 10 rebounds.
Maganda ang naging simula ng dalawang koponan sa unang quarter, ngunit nagtapos ang Cleveland na may limang puntos na kalamangan, 35–30, pag pasok ng 2nd qaurter dinomina ng Cavaliers ang laro at nagdagdag pa ng 14 na kalamangan sa pagtatapos ng 2nd quarter sa score na 68-54.
Sa huling quarter, sinubukan pa ng Brooklyn na maibaba ang kalamangan matapos makapagtala ng 41 points , kumpara sa 29 ng Cleveland. mula sa 16 points na kalamangan, naibaba ng Nets ang lamang sa dalawang puntos, 123–121, ngunit naselyuhan pa rin ng Cavaliers ang panalo sa iskor na 125–121.
Nanguna naman si Michael Porter Jr. sa Brooklyn na may 28 points at 9 rebounds, habang nagtala si si Julius Randle ng 23 points 6 rebounds at 5 assist, at 22 points 4 rebounds at 6 assist naman kay Egor Demin.
Dahil sa panalo, nakapagtala ng 1–1 win-loss record ang Cleveland Cavaliers, habang nananatiling walang panalo ang Brooklyn Nets sa unang dalawang laro nito, taglay ang 0–2 record.















