-- Advertisements --
Nasungkit ni Johann Chua ang titulo sa 2026 Philippines Open Pool Championships matapos talunin ang kapwa Pilipinong si Anton Raga, sa score na 11–9, sa isang kapana-panabik na All-Filipino finals.
Maagang umarangkada si Chua sa 5–0 na kalamangan, ngunit naghabol si Raga hanggang 10–9. Sa kabila ng dikit na laban, napanatili ni Chua ang kaniyang kalamangan upang masungkit ang titulo.
Bago ang finals, tinalo ni Chua sina Carlo Biado, 10–1, sa quarterfinals at Bernie Regalario, 10–2, sa semifinals.
Ito ang ikalawang Matchroom World Nineball Tour (WNT) title ni Chua, kasunod ng kaniyang panalo sa 2024 Hanoi Open Pool Championship. Naiuwi niya ang gintong tropeo at P1.2 milyong piso.








