-- Advertisements --

Hindi pa rin makapagbulsa ng panalo ang Golden State Warriors matapos nitong lasapin ang pagkatalo sa kamay ng Memphis Grizzlies ngayong araw, (Oct. 24), 111-108.

Hindi nakaya ni NBA superstar Stephen Curry na bitbitin ang kaniyang koponan, dahil sa matinding depensa ng Grizzlies, lalo na sa clutch time.

Pinangunahan ng sharpshooter na si Ty Jerome ang panalo ng Grizzlies at kumamada ng 28 points mula sa 11 naipasok na field goals.

Naging malaking tulong din ang double-double ni Grizzlies forward Cameroon Boozer, 25 points, 13 rebounds, para maibulsa ng koponan ang naturang panalo.

Para sa Warriors, nalimitahan lamang si Steph sa limang field goals mula sa 15 kaniyang pinakawalan, habang perfect 11 ang ipinasok sa free throw lane.

Bagaman umabot pa sa 12 steals ang nagawa ng koponan, hindi na ito naisalba sa naturang pagkatalo matapos lumubo sa 38 ang mga nagawa nitong turnover sa kabuuan ng laban.

Nagtapos naman sa 18 points at 13 rebounds ang all-around rookie ng koponan na si Yaxel Lendeborg habang tanging 5 points ang nagawa ng defense specialist na si Draymond Green.

Sa dalawang match na hinarap ng GSW ngayong season, parehong nagresulta ang mga ito sa pagkatalo ng koponan habang para sa Memphis, dalawa na ang naibulsa nitong panalo.