-- Advertisements --

Pinatawan ng lifetime ban ang isang NBA fan matapos siyang biglaang tumakbo sa hardcourt para maka-selfie si San Antonio Spurs star Victor Wembanyama.

Naganap ito sa 4th quarter ng Game 1 kayat bahagyang natiligil ang laban. Agad ding nahuli ang fan at pinaalis sa Frost Bank Center, ang homecourt ng Spurs.

Pinag-aralan ng liga ang naging aksyon ng naturang fan at ngayong araw ay inilabas ang desisyon nito na hindi na makakapanood ng live NBA game ang naturang fan, saanmang NBA court.

Batay sa local law ng Texas, USA, itinuturing bilang isang krimen ang pagpasok sa restricted area ng isang stadium tulad ng basketball court.

Ito ay maituturing bilang criminal trespass at misdemeanor kung saan ang hatol ay aabot sa 180 araw sa kulungan.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang San Antonio ukol dito ngunit kung babalikan ang naturang laban, pinadapa ng Knicks ang Spurs sa sarili nitong court, 105-95.

Muli namang gaganapin sa Frost Bank Center ang Game 2 bukas, June 6 (PH time).