-- Advertisements --

Hawak na ng New York Knicks ang 3-1 bentahe matapos ang kanilang matagumpay na second-half comeback laban sa San Antonio Spurs, 107-106.

Binura ng Knicks ang 27-point na kalamangan ng Spurs sa first half upang makuha ang one-point win sa pagtatapos ng Game 4.

Naging dominante ang opensa ng Spurs sa unang bahagi ng laban at tinapos ang first at second quarter sa score na 76-49.

Gayunpaman, dumanas ng defensive breakdown ang Spurs sa ikalawang bahagi ng laro at hindi napigilan ang pag-arangkada nina Jalen Brunson at OG Anunoby, na nagresulta sa pagbura ng malaking 29-point deficit.

Sa pagtatapos ng laban, kumamada si Brunson ng 36 points, 7 assists, at 3 steals, habang si Anunoby ay nagtala ng 33 points at 4 rebounds.

Nasayang naman ang double-double effort ni Spurs guard Victor Wembanyama na may 24 points, 13 rebounds, at 3 blocks, kasama ang 21 points ni Dylan Harper.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Knicks upang itanghal bilang NBA champion, habang babalik sa San Antonio ang do-or-die Game 5.