-- Advertisements --

Nangako si San Antonio Spurs bigman Victor Wembanyama na babangon pa ang kaniyang koponan sa do-or-die na Game 5 laban sa New York Knicks.

Bago nito ay natalo ang San Antonio sa Game 4 sa kabila ng 27 points na halftime lead ng koponan kontra Knicks.

Ito na ang pinakamalaking comeback sa kasaysayan ng NBA Finals.

Ayon kay Wembanyama, dalawa lamang ang option ng kaniyang koponan, at ito ay ang lumuhod sa Knicks o puwersahin ang Game 6.

Lahat ng Spurs player at ng buong management aniya ay walang ibang hinahangad kundi makabangon mula sa 3-1 deficit kayat tiyak na magtutulungan ang mga ito para puwersahin ang isa o dalawa pang game laban sa New York.

Natanong din ang 20-anyos na bigman ukol sa morale ng koponan matapos ang danasin ang 27-point comeback ng Knicks.

Ayon sa Spurs center, bagaman mahirap tanggapin ang resulta ng Game 4, batid ng buong koponan na maraming pagkakamali ang kanilang nagawa, lalo na sa 2nd half.

Gayunpaman, tiniyak niyang nananatiling positibo ang buong koponan kasabay ng pagbabalik nito sa San Antonio, Texas kung saan nakatakdang ganapin ang Game 5.