Nakuha ng defending champion na New York Knicks ang unang panalo ngayong preseason matapos itumba ang Toronto Raptors, 122-120.
Ito ang unang panalo ng koponan sa loob ng limang games ngayong preseason.
Napigilan ng defending champion ang pagtatangka ng Raptors na 4th-quarter comeback at ibinulsa ang 2-point win sa pagtatapos ng laban, sa tulong ng magandang depensa mula kay Knicks bigman Karl-Anthony Towns.
Gumawa ng double-double perfomance si Towns, 13 points, 15 rebounds, 9 assists, para pangunahan ang unang preseason win, habang 20 points at pitong assists naman ang kontribusyon ng 2026 NBA Finals MVP na si Jalen Brunson.
Hindi naman umubra ang tandem nina Scottie Barnes at RJ Barett na kapwa gumawa ng 20-point performance, matapos silang dominahin ng Knicks sa clutch.
Sa pagkatalo ng Raptors, hawak na nito ang kartadang 2-2 habang tangan naman ng Knicks ang win-loss record na 1-4.















