-- Advertisements --

Nasungkit ng New York Knicks ang 2026 NBA Championship title matapos talunin ang San Antonio Spurs sa iskor na 94-90, sa Game 5 ng NBA Finals. Tinapos ng Knicks ang serye sa 4-1 at nasungkit muli ang titulo sa loob ng 53 taon.

Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang koponan, ngunit nagawa ng Knicks na kontrolin ang huling minuto ng laro upang mapanatili ang kanilang kalamangan. Hindi rin nagpahuli ang Spurs, ngunit kinapos sa kanilang paghabol sa fourth quarter.

Kumana ng 45 points si Brunson, 3 rebounds at 3 assists habang nag-ambag sina Josh Hart ng 13 points  at 11 rebounds at Mikal Bridges ng 14 points. 

Naging mahirap para sa New York Knicks ang first quarter matapos matamabakan ng 10 points sa score na 23-13. Agad na nakabawi ang Knicks sa 2nd quarter at naibaba ang kalamanagan sa 5. Naging madikit ang laban pagsapait ng 3rd quarter. 

Umabante ang Knicks sa huliong quarter ng laro at nahirapan ang spurs na dipensahan ito. Sa huli kumana ng 29 points ang Knicks at tuluyang nakuha ang kampyonato. 

Muling nasungkit ng New York ang Larry O’Brien Trophy kung saan tinanghal naman na Most Valuable Player (MVP) si Brunson at nagtapos ang kanilang mahabang paghihintay upang muling masungkit ang titulo bilang NBA championship.