New York Knicks, inaasahang maimbitahan sa White House bilang pagkilala sa kanilang panalo sa NBA Finals
LAOAG CITY – Inihayag ni Bombo International News Correspondent Rene Ballenas mula sa New York, USA na inaasahang maimbitahan ang New York Knicks sa White House bilang pagkilala sa kanilang tagumpay sa katatapos na National Basketball Association Finals.
Ito ay matapos talunin ng Knicks ang San Antonio Spurs sa score na 94-90 sa Game 5 ng NBA Finals.
Ayon kay Ballenas, magkakaroon ng parada bilang parangal at suporta sa lahat ng miyembro ng Knicks.
Aniya, ang tagumpay ng Knicks ay inaasahang makakakuha ng maraming endorsement para sa kanilang prangkisa.
Ipinaliwanag niya na ang Knicks ay inorganisa noong taong 1946 na lumikha ng pinakamahuhusay na manlalaro sa kasaysayan ng basketball.
Kaugnay nito, maraming basketball fans sa New York ang sumayaw bilang pagpapahayag ng kanilang labis na kagalakan sa tagumpay ng Knicks.
Inaasahan daw niyang mananalo ang Knicks ngayong season dahil sa husay at pagiging agresibo ng mga larong ito.
Dagdag pa niya, mas pinatunayan ng Knicks ang kanilang husay matapos mahabol ang 29 puntos na lamang ng Spurs sa third quarter.
Nauna rito, tinapos ng Knicks ang serye sa 4-1 at nabawi ang Championship pagkatapos ng 53 taon.
















