-- Advertisements --

Lumipat na sa Charlotte Hornets ang dalawang batikang guards na sina Buddy Hield at Ryan Nembhard mul sa Atlanta Hawks.

Nagkasunod ang Hornets at ang Hawks na pakawalan ang dalawa kapalit ni Dorian Finney-Smith at cash considerations.

Nitong nakalipas na season ay na-trade si Hield mula sa Golden State Warriors patungo sa Hawks habang nakuha rin ng Hawks si Nembhard sa pagtatapos ng 2025-2026 season mula sa Dallas Mavericks.

Gayonpaman, hindi nagtagal ang pananatili ng dalawa sa Atlanta at sa halip ay agad inilipat sa Charlottee, ilang lingo bago ang nakatakdang pagsisimula ng 2026-2027 NBA Season.

Makakasama nina Hield at Nembhard ang ilang rising NBA stars tulad nina Kon Knueppel, Coby White, Grayson Allen, atbpa.

Sa kabilang banda, dating nakuha ng Hornets si Finney-Smith mula sa isang trade sa Houston Rockets. Kasama niya noon ang tatlong 2nd-round picks.

Sa loob ng kaniyang sampung taon na paglalaro sa liga, hawak niya ang career average na 8.0 pointe per game at 4.4 RPG.