-- Advertisements --

Personal na nagtungo sa Banga, South Cotabato si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian noong Linggo upang magpaabot ng tulong sa mga biktima ng nangyaring pamamaril sa Banga National High School noong Setyembre 18, 2026.

Ayon kay Gatchalian, agad na nagpalabas ng atas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibigay ang lahat ng kailangang tulong at suporta para sa mga nasalanta ng insidente.

Binisita rin ng kalihim ang mga ospital kung saan ginagamot ang mga nasugatan, pati na rin ang mga pamilya ng mga namatay, kung saan itinaguyod ng DSWD na sila ang sasagot sa lahat ng bayarin sa pagamutan at maglalaan ng pangmatagalang tulong at *psychological first aid* sa mga naulila at naapektuhan.

Samantala, nagdeklara ngayong Lunes, Setyembre 21, ng suspensyon ng *face-to-face classes* sa lahat ng antas ang ilang lokal na pamahalaan sa South Cotabato bilang pag-iingat kasunod ng naganap na pamamaril.

Kabilang sa mga nagpatupad ng class suspension ang mga LGU ng Banga, Surallah, Norala, Sto. Niño, at ang lungsod ng Koronadal.