-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng women’s 3×3 basketball ang Gilas Pilipinas Women sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan.

Tinalo nila ang Singapore 22-12 sa quarterfinals sa laro na ginanap sa Kinjo Futo Station Square.

Kapwa nagtala ng tig-7 points sina Amyah Espanol at Kennan Ka.

Makakaharap nila ang Thailand ngayong Biyernes,Setyembre 25 para sa semifinals.