-- Advertisements --
Pumanaw na ang kauna-unahang nakatanggap ng Most Valuable Palyer (MVP) award ng NBA na si Bob Pettit sa edad 93.
Ang 11-time All-star player din ay siyang unang manlalaro na mayroong 20,000 career points.
Inanunsiyo ng kaniyang alma mater na Louisiana State University ang pagpanaw ni Petit.
Siya ang all-time leading scorer sa kasaysayan ng NBA kung saan pinangunahan niya ang panalo ng kaniyang koponan na St. Louis Hawks laban sa Boston Celtics para makamit ang kampeonato noong 1958.
Sa nasabing laro ay nagtala ito ng 50 points sa decisive na 110-109 Game 6.
Naging MVP siya noong 1956 at 1959.
Nanumpa siya sa Basketball Hall of Fame noong 1971 sa taas nitong 6-foot-9 ay tinagurian siyang “true giant of the game”.
















