-- Advertisements --

Ang bagong kontrata ni Bey ay nagkakahalaga ng $55.5 million at magtatagal ng tatlong taon o hanggang 2029-2030 NBA season.

Nakapaloob din dito ang isang trade kicker provision, isang special contract provision na nagbibigay garantiya sa isang manlalaro na maaaring makakuha ng financial bonus kung nagdesisyon ang kanilang team na sila ay i-trade.

Hindi nakapaglaro si bey sa 2024-2025 season dahil sa kaniyang ACL injury habang siya ay naglalaro noon sa Atlanta Hawks, hanggang sa tuluyan siyang lumipat sa Pelicans.

Sa pagbabalik niya sa hardcourt nitong nakalipas na season, nagawa niyang i-angat ang kaniyang performance at iposte ang career-high na 17.7 points per game

Hindi rin siya nalimitahan sa hardcourt sa kabila ng kaniyang injury at sa halip ay nakapaglaro siya ng 72 games sa buong season – 64 dito ay bilang starter.

Napanatili rin ng batikang forward ang average na 5.6 rebounds at 2.5 assists per game.

Taong 2020 noong pumasok si Bey sa pamamagitan nG detroit Pistons. Mula noon, hawak niya ang career average na 14.8 points, 5.3 rebounds at two assists per game.