Pumanaw na ang award-winning actor na si Raoul Aragon sa edad na 78.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na radio personality na si Laila Chikadora.
Sinabi nito na noon ang Enero 22 ng pumanaw ang ama sa Downey, California.
Ang beteranong aktor ay nagwagi bilang Best Actor Award noong 1979 sa pelikulang “Ina ka ng Anak Ko” na pinagbibidahan ni Lolita Rodriguez at Nora Aunor.
Nakilala din ito sa pagganap bilang si Tio Kadyo sa pelikulang “Pasan Ko ang Daigdig” kasama si Sharon Cuneta.
Nakasama siya sa ilang mga pelikula gaya sa “Working Girls” at “Waikiki” ganun din sa mga TV series gaya ng “Aguila” kasama si Val Sotto.
Nakatakdang dalhin sa Pilipinas ang bangkay ng actor kung saan sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo nila ang gaganaping public viewing dito.















