-- Advertisements --
Nabawi na ng Israel military ang bangkay ng uling natitirang bihag sa Gaza.
Mula pa noong Oktubre ay hinanap nila ang bangkay ni Master Sgt Ran Gvili.
Nakatakda sanang ibalik ng Hamas ang lahat ng bihag sa loob ng 72 oras mula ng ipinatupad ang ceasefire.
Kinabibilangan ito ng mga buhay na mga Israeili hostages at bangkay ng 27 na mga Israel at mga dayuhan na bihag na ipinasakamay noong nakaraang mga linggo.
Itinuturing ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang pagbabalik sa bangkay ni Gvili na isang kakaibang achievements.
Sinabi naman ni Hamas spokesman Hazem Qassem na ang pagbawi ng bangkay ay nagkukumpirma ang kanilang seryosong pagtugon sa ceasefire deal.










