-- Advertisements --

Nadomina ni Pinay tennis star Alex Eala ang pagsisimula ng pagsabak niya sa WTA 125 Philippine Women’s Open.

Hindi niya kasi niya pinaporma si Alina Charaeva ng Russia sa score na 6-1, 6-2 sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Tennis Center.

Labis ang kasiyahan at pinasalamatan ni Eala ang mga fans na nanood sa laban nila ng World number 142.

Hindi rin aniya maipaliwanag ng 20-anyos na si Eala ang kasiyahan dahil sa matagal niyang pinangarap na makapaglaro sa harap ng mga Pinoy fans.

Susunod na makakaharap niya ang sinumang manalo sa pagitan nina Hibino Nao at Sakatsume Himeno.