Magpapatupad ang Senate of the Philippines ng work-from-home at skeletal workforce para sa mga empleyado simula Abril 6 bilang bahagi ng hakbang sa pagbabawas ng gastos at enerhiya. Kasunod ito ng recess ng Kongreso mula Marso 21 hanggang Mayo 3.
Ayon sa memorandum ni Senate Secretary Mark Llandro Mendoza, obligadong mag-report onsite ang lahat tuwing unang Lunes ng buwan, habang ang natitirang Lunes at Martes hanggang Huwebes ay WFH o skeletal workforce depende sa desisyon ng department heads.
Ang mga pangunahing opisina gaya ng maintenance, security, medical, records, at legislative services ay mananatiling skeletal workforce.
Upang makatipid sa enerhiya, ang central air-conditioning ay tatakbo lamang mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. na may thermostat sa 24°C.
Ayon kay Mendoza, ang mga hakbang ay ipatutupad lamang sa panahon ng Senate recess at magpapatuloy hanggang sa muling abiso. (report by Bombo Jai)















