-- Advertisements --
Kinumpirma ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na tinamaan ng kanilang military forces ang mahalagang military factories ng Russia.
Sinabi nito na ang nasabing planta ay siyang gumagawa ng electronics at components para sa missiles ng Russia.
Gumamit sila ng British Storm Shadow missiles para tamaan ang Kremniy El plant sa Bryansk border region
.
Inihayag din ng Russia na sa insidente ay mayroong anim na sibilyan ang nasawi at 42 ang sugatan sa itinuturing nilang terrorist missile attack.
Tiniyak naman ng Russia na gagantihan nila ang ginawa na ito ng Ukraine.
















