-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Indian Wells Open.
Ito ay matapos na talunin siya ni Linda Noskova sa score na 6-2, 6-0.
Naging agresibo sa kaniyang laro ang Czech tennis player at hindi nakaporma ang 20-anyos na si Eala.
Mayroong kabuuang pitong aces si Noskova habang hindi nakapagtala ng anumang aces ang world number 32 na si Eala.
Bagamat natalo ay pinasalamatan ni Eala ang kaniyang mga fans na nagbigay ng suporta sa kaniyang laro.













