-- Advertisements --

Bunsod ng patuloy na pag-init ng tensyon at giyera sa Middle East, mas pinalawak pa ng pamahalaan ang repatriation ng mga Pilipino, kung saan ligtas nang nakalapag sa bansa ang nasa 442 na indibidwal mula sa United Arab Emirates (UAE).

Batay sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW), dumating ang inarkilang charter flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Sabado ng hapon, kung saan mahigit 200 sa mga sakay ay mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Sa kanyang inilabas na pahayag, kinumpirma ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang matagumpay na paglilikas

Nag-ugat ang sunud-sunod na paglilikas matapos gumanti ang Iran ng mga missile at drone attacks laban sa mga bansa sa Gulf region na may base militar ang Amerika.

Ito ay kasunod ng airstrikes ng United States at Israel na ikinasawi ng liderato ng Tehran.

Tinatayang nasa higit 2.4 milyong Pilipino ang kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa Middle East.